"MAY forever kaya huwag kang bitter!"
May bagong pag-ibig si Emperor?
Para kay Empress,
Una sa lahat nagpapasalamat ako sa lahat ng lessons na natutunan ko sa naging karanasan ko sa iyo. Ngayon ko lang na-realize na nangyayari ang mga nangyayari dahil maaring 'yun ang dapat mangyari. Dahil sa kabiguan nating ipaglaban ang isa't isa kaya nagkahiwalay tayong dalawa. Masakit man ito at napakatagal na panahon bago ko natanggap na nagkarelasyon ka na sa iba habang magkahiwalay tayo, naghilom din naman ang puso ko. Kaya kahit nung nabalitaan kong nag-break din kayo later on, hindi na ako naging interesado pang i-pursue ka. Sa ngayon nakatutok ako sa self-development ko at sa pag-concentrate sa mga bagay at propesyon na nakakapagpasaya sa akin. Isa pa, may nakilala akong bago - si Imperial Consort - at sa tulong niya, totally naka-move on na ako sa iyo. Although tila nauulit sa amin ang pinagdaanan ko sa iyo, I have learned to take the challenges the positive way. I hope you were already healed from your past heartache and continue improving yourself. I am now moving forward with my life. Thank you for the wonderful lessons and memories.
Nagmamahal,
Your Emperor
Mahal ang Manliligaw Pero Kontra ang Buong Pamilya Kaya Pinalaya
DEAR DJ RJHAY GWAPITO AT SA BUONG HJ BARKADA,
Kamusta po? Tawagin niyo na lang po ako na si Nicole. Isa po akong college student at graduating na ako ngayon. Gusto ko lang po i-share ang kuwento ko tungkol sa isang tao na magpahanggang ngayon ay gumugulo sa aking isip at hindi ko makalimutan. Isang tao na tunay na nagmamahal sa akin ngunit kahit kailan ay hindi ko nagawang ipaglaban. Nakilala ko siya dahil isa siyang dating kaibigan ng pamilya at bata pa lang ako ay nakikita ko na siya na padalaw-dalaw sa bahay. Kaibigan siya ng Papa ko pero mas bata siya rito. Siya si Kuya Jonie, ang taong nagpaunawa sa akin na walang kinikilalang edad ang pag-ibig.
Dalagita pa lang ako nang una kong makita si Kuya Jonie sa bahay namin. Binisita niya si Papa at nag-inuman sila noon sa bahay. Isa siyang businessman at sa shop na pag-aari niya madalas na nagpapaayos ng motor si Papa at ang totoong Kuya ko na si Benjie. Bata pa lang ako ay nakakatawag na ng pansin ko si Kuya Jonie, hindi ko alam kung bakit, pero kumakabog ang dibdib ko tuwing nakikita ko siya na dumadalaw sa bahay. Kaya lang, noong mga panahon na ‘yun ay hindi ko pa maintindihan ang nararamdaman ko, kaya madalas kapag nasa bahay si Kuya Jonie ay hindi ako nagpapakita at nagtatago ako sa aking silid dahil natatakot ako makisalamuha sa kanila. Nang mag-high school ako, bigla na lang hindi na nadadalaw sa bahay si Kuya Jonie. Ang sabi ni Papa ay mas naging busy raw siya sa kanyang mga inaasikasong negosyo kaya hindi na siya nakadadalaw. Matapos ang ilang taon, naging ganap na akong dalaga at graduating senior high school na ako noon nang muli kong maramdaman ang kabog sa dibdib ko na naramdaman ko noon dahil muli kong nasilayan si Kuya Jonie nang ipakilala siya sa akin ng isang classmate ko na common friend din pala namin.
Matapos ang meetup namin na ‘yun, naging madalas na ang pagkikita namin ni Kuya Jonie kasama ang buong barkada namin. Si Kuya Jonie ang tumutulong sa amin sa mga pangangailangan namin sa school. Sabi niya naniniwala siya na ang kabataan ang tunay na maghahatid ng pagbabago sa bansa kaya gagawin niya ang lahat para masuportahan kami. Doon ko mas hinangaan si Kuya Jonie, hindi lang siya masipag na negosyante, may malasakit din siya sa kapwa niya. Naikukuwento ko si Kuya Jonie kay Papa at Kuya Benjie pati sa Mama ko. Noong una ay na-appreciate naman nila ang pagtulong sa akin ni Kuya Jonie, gayundin sa mga kaibigan ko. Kaya masaya na rin ako. Lumipas ang mga araw, napansin kong mas nagiging close si Kuya Jonie sa kaibigan kong si Naomi, nakaramdam ako ng inggit at selos dahil parang mas nabibigyan niya ng atensiyon si Naomi sa lahat ng mga kaibigan namin. Pero hindi nagtagal ang pagiging close nila. Minsan niyaya akong lumabas ni Kuya Jonie, nalaman kong nagkaroon pala ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ni Naomi, pati na rin ang pamilya niya. Kahit hindi ko magawa ang magpakita ng kasiyahan sa harap ni Kuya Jonie, alam kong nakaramdam ng galak ang puso ko. Ngayon pagkakataon na para mapalapit ako kay Kuya Jonie. Kaya ang nasabi ko na lang sa kanya, “ganun talaga, kung hindi para sa iyo, hindi magiging sa iyo,”
Naging mandalas ang paglabas-labas namin ni Kuya Jonie kasama ang mga tropa. Minsan kahit halos hatinggabi na, yayayain ako ni Kuya Jonie na mag-midnight snack sa labas. Dahil sa gusto ko siyang makasama, tumatakas ako sa bahay at nagsasama ng kahit isang kaibigan para lang makita siya. Malungkot kasi siya at kailangan niya ng karamay kaya naintindihan namin bakit siya ganun, kasi nga nag-iisa lang siya sa buhay. Ang hindi ko alam ang madalas naming pagkikita ni Kuya Jonie at ang pagtulong niya sa akin sa pag-aaral ko ay magiging tampulan na pala ng tsismis. At ang tsismis ay nakarating na sa aking pamilya. Isang gabi na lumabas kami ay sinundo akong bigla ni Kuya Benjie na galit na galit, ayaw ko pa sanang umuwi pero si Kuya Jonie na mismo ang nag-udyok sa akin na sumunod sa nakatatanda kong kapatid. Pag-uwi ko ay naroon sa bahay sila Papa at Mama at lahat sila ay pinagsabihan ako tungkol sa madalas naming paglabas ni Kuya Jonie lalo na sa gabi. Ipinagtanggol ko si Jonie dahl sabi ko wala naman kaming ginagawang masama. Napakalma ko naman ang pamilya ko pero hindi sila tumigil at habang tumatagal lalo nila akong hinihigpitan. Dahil nahirapan na ako at naiipit sa sitwasyon, ilang beses ko nang tinangka na magpaalam kay Jonie at wakasan na ang pagkakaibigan namin. Pero tumatanggi si Kuya Jonie, ang katwiran niya nakakatulong kami sa isa’t isa bakit kailangan na magputol kami ng ugnayan? Ayaw ko naman sabihin sa kanya ang tunay na dahilan dahil baka magalit siya sa Papa ko na kaibigan niya. Dumating sa punto na hindi na naging healthy ang pagkakaibigan namin ni Jonie dahil sinusubukan kong ilayo ang loob ko sa kanya kahit nasasaktan ako, bagay na madalas ikagalit niya. Alam kong nasasaktan ko si Jonie pero mas maigi na ito kaysa lumalim pa ang relasyon naming walang label. Pero kahit ganito, sabi ko sa sarili ko, kung sasabihin lang niya na mahal niya ako, baka ipaglaban ko pa siya. Ngunit, hindi niya ito sinambit kaya napagod na ako at hindi na lang nagpakita o kumontak sa kanya kahit kailan.
Sa tulong ng isang kaibigan ay muli kaming nagkaroon ng ugnayan ni Jonie nang mag-college ako. Ito yung mga panahong gipit na gipit ang pamilya ko kaya naisipan ko na maghanap ng trabaho. Si Jonie ang tumulong sa akin na makapagtrabaho sa isang fastfood bilang part-timer. Pero ganunpaman, matindi ang bilin ko kay Jonie at sa kaibigan ko na hindi kami puwede malaman ng pamilya ko o ng kahit sino na si Jonie ang tumulong sa akin. Sa panahon na iyon unti-unti nang nakakuha ng lakas ng loob si Jonie na ligawan ako at ipagtapat ang lahat ng nararamdaman niya. Ewan ko pero kahit alam ko sa sarili ko na mahal ko siya ay hindi ko siya nagawang sagutin. I always leave the topic hanging. Siguro, dahil alam kong ayaw sa kanya ng pamilya ko sa dalawang dahilan, napakalayo ng agwat ng edad namin at laging nai-involve si Jonie sa mga babaing mas bata sa kanya, in-short kilala siyang babaero. Pero hindi ko naman nakikita na si Jonie ang may sala kung bakit ganun ang nagiging karanasan niya sa mga babae, sadyang hindi niya lang nakikita ang perfect match niya. Kaya lang ang saglit naming muling pagkakaroon ng ugnayan ay nakarating muli sa pamilya ko. Nalaman nila at nagalit sila sa ginawa kong desisyon. Pinag-resign ako ng Kuya Benjie ko sa trabaho at pinalipat sa kumpanya ng kakilala niya. Wala akong nagawa kundi sumunod sa desisyon ng pamilya para wala nang gulo. Sinuyo pa ako ni Jonie hanggang sa bahay namin pero tinaguan ko siya at hinayaang ang Papa ko ang humarap sa kanya na alam ko maraming masasakit na salitang sinabi sa kanya. Masakit man sa akin at kahit si Jonie ang kumukumpleto sa akin, kailangan ko siyang palayain para na rin sa ikatatahimik ng pamilya ko.
Kahit nahihirapan ako lalo na’t hindi lang ako nawalay sa minamahal ko kundi nawalan din ako ng isang kaibigan na tumutulong sa akin maabot ang pangarap ko, wala akong choice kundi panindigan ito para sa pamilya ko. Sinubukan kong buksan ang puso ko sa ibang lalaki pero hindi rin tumagal ang relasyon namin dahil hinahanap ko si Jonie sa kanya. Nabalitaan ko na lang isang araw na may iba na namang babae na nali-link kay Jonie at mas bata pa ito sa akin. Ewan ko pero nasaktan ako nang mabalitaan ko ‘yun. Nagseselos ako at sa isip ko gusto kong hindi sila magkatuluyan para magkaroon ako ng pagkakataon na bumalik kay Jonie kapag kaya ko na siya panindigan sa pamilya ko. Gusto ko magkaayos kami dahil alam ko doon lang ako magkakaroon ng ganap na katahimikan. Paano ba ang gagawin ko, kaya ko pa kayang ayusin ang koneksyon namin ni Jonie na sinira ko dahil naduwag ako na ipaglaban siya?
Nagmamahal,
Nicole
ANO ANG MAIPAPAYO NG LOVE GURU KAY NICOLE?
Past is past, you need to move on and learn from past mistakes. Intindihin mo na lang ang family mo kung ginawa nila 'yun kasi bata ka pa noong mga panahon na iyon. Although pinakita naman sa iyo ni Jonie na mahal ka talaga ka niya dahil sinuportahan ka pa sa pag-aaral mo. Ang maipapayo ko lang sa iyo Nicole ay dahan-dahan lang, puwede ka makipag-reconnect sa kanya pero alamin mo muna kung ano talaga ang relasyon ni Jonie doon sa mas bata na naman na nali-link sa kanya. Siguro the best you can do para matahimik ka lang is makipag-reconnect ka just to settle things with Jonie, humingi ka ng tawad para gumaan ang loob mo. Kung hindi naman talaga niya karelasyon yung bagong nali-link sa kanya eh baka puwede pa kayo magkaroon ng 3rd chance pero kung karelasyon niya na talaga at hindi chismis lang yung nali-link sa kanyang bago ay mag-move on ka na lang. Puwede naman siguro kayong maging friends ulit. Basta ang gawin mo na lang recnnect with him para makahingi ka ng tawad and matuto ka na sa pagkakamali mo noon na naduwag ka at hindi mo siya naipaglaban. Magkaroon man kayo ng 3rd chance o hindi na, at least napalaya mo na 'yung sarili mo sa guilt na nababaon mo sa loob mo dahil sa pag-ghosting mo sa kanya.
DJ RJHAY GWAPITO
Matatapos na ba ang Ugnayan ni Emperor at Empress?
Mahal kong Empress,
Patawarin mo ako kung nakapagbitaw muli ako ng masasakit na salita sa iyo. Patawarin mo ako kung nagagalit ako ngayon sa ilang mga taong nakapaligid sa iyo. Patawarin mo ako kung labis akong nasasaktan na mas pinaniwalaan mo ang kasinungalingan at paninira ng ibang tao kaysa sa tignan mo ang tunay na nasa kalooban ko, ang tunay na ako. Hindi ako perpekto, tao lang ako, may limitasyon ang kakayahan ko para abutin ang expectations mo. Pero pareho lang naman tayo, we failed to meet the expectations of each other. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko matanggap ang desisyon mo na isuko ang lahat, kahit ang pagkakaibigan natin. Dahil ako, handa akong ipaglaban ka at yakapin kahit ang imperfections mo. Kahit paminsan I am rough on you dahil sa gusto ko na maging matatag kang babae. How I treated you backfired on me dahil ang pagiging matigas mo ay sa akin mo nagamit. Natutuwa ako na you are now becoming a tough woman, pero nasasaktan din dahil yung toughness na yun ang ginagamit mo ngayon upang hindi ako pakinggan, upang isara ang iyong puso, upang hindi ako bigyan ng pagkakataon na mahalin ka o kahit maging kaibigan mo lang. Galit ako sa sarili ko, galit ako sa mundo, galit ako sa mga taong makikitid ang utak na lumason sa isipan mo. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ako ang taong kapanga-pangarap mahalin, marami akong kapintasan, marami akong kahinaan, mga dahilan para ako'y tuluyan mong iwan. Hindi ko matanggap na hindi mo ako kayang bigyan ng pagkakataon na maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal. Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin kung bakit nagkaganito tayong dalawa. Pero wala akong magawa kundi irespeto ang boundaries na itinakda mo sa pagitan natin. Sa kabila nun, My Empress, lumalaban pa rin ang puso kong ito, sugatan man at labis na nasasaktan, mayroon sa kalooban ko ang ayaw kang isuko na lang sa kapalaran. My Empress, patuloy pa rin akong magdadasal sa Maykapal na ibalik ka niya sa piling ko at patuloy akong gagawa ng hakbang upang unti-unti'y mapatunayan ko sa iyo ang sarili ko hanggang sa maibigay sa akin, sa atin, ang pagkakataon na muling ayusin ang relasyon natin. Kahit bumibitaw ka na, at kahit tila malabo nang mangyari, kung mabigyan pa ako ng pagkakataon, magpapakatotoo ako sa tunay na damdamin ko sa iyo, nang hindi na natatakot sa sasabihin ng iba, aalisin ko na itong maskara na pilit kong ginagamit para itago ang feelings ko sa iyo dahil lang sa pride at ego ko. Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang mamahalin ko, ikaw pa rin ang pipiliin ko, dahil ikaw ang Empress ko.
Nagmamahal,
Your Emperor
ANO ANG MASASABI NG LOVE GURU SA SINAPIT NG RELASYON NINA EMPEROR AT EMPRESS?
Minsan talaga kahit ayaw mong lumayo sa taong mahal mo, kailangan mong lumayo dahil 'yun ang nais niya. Kailangan mong irespeto ang boundaries niya. Masakit lalo na sa katulad mong sabi mo nga ay hindi nabigyan ng pagkakataon na maipadama at maipakita sa kanya kung gaano mo siya kamahal. But that's life. Not all people whom you love can reciprocate that love back to you. Emperor, nakailang letters ka nang ipinadala sa amin at ilang taon ka na ring nakikipag-ugnayan para magamit mo ang aming platform para mag-improve ang relasyon mo with Empress. Pero, tila walang pagbabago. Siguro tanggapin na lang natin na it's a red flag at palagay ko, imbes na magalit ka sa mundo at maging bitter ay try to look at other things and people around you. Hindi lang namin romantic relationship ang puwedeng magbigay ng kasiyahan sa iyo. Marami pang bagay ang puwedeng magpasaya sa iyo bukod sa romance, siguro doon mo na muna ituon ang atensiyon mo. Generate positivity in your life. Anong malay mo, once na ni-let go mo na ang nakaraan niyo ni Empress, saka siya babalik sa buhay mo o kung hindi naman tiyak kong may ibang itinadhana si Lord para sa iyo. Baka iyang tao na akala mo ay Empress mo, ay hindi pala siya ang tunay mong Empress.
DJ RJHAY GWAPITO
Ang Espesyal na Mensahe ni Emperor sa Kanyang Empress
Para sa Minamahal Kong Empress,
Kaytagal kitang hinintay. Ilang dekada ko ring inakala na ang mga naunang babae sa buhay ko ay ikaw, pero nagkamali ako, sila lang pala ang magbibigay sa akin ng karanasan upang sa pagdating ng takdang panahon na ikaw na ang dumating sa buhay ko, handa na ako sa anumang pagsubok na pagdadaanan nating dalawa. My Empress, noong una isa ka lang pangkaraniwang babae na nasa paligid ko, isang kaibigan, isang katropa. Hindi ko alam kung papaanong nangyari, pero bigla na lang isang araw, namulat ako na ikaw pala ang babaeng matagal ko nang hinahanap. Kaso, nagkakasama man tayo, hindi naman nagtatagpo pa ang ating mga puso. Kaya naman sa pamamagitan ni DJ Rjhay Gwapito, sana makarating sa iyo ang mensahe ko. Hindi ko man gamit ang tunay na pangalan mo, alam kong malalaman mong ikaw ang taong tinutukoy ng liham na ito. Puso mo ang magsasabi nito.
Magkasama tayo pero nakadistansiya, nag-uusap pero hindi nagkukuwentuhan, tumitindig nang magkasama para sa isang makabuluhang gawain pero hindi makatindig para sa isa't isa. Bakit ba tayo humantong sa ganito? Bakit bigla na lang parang ang dami-dami nang nakaharang sa ating dalawa? Pero ang totoo, tayo lang din naman ang humaharang sa samahan nating huwag naman sana masayang. My Empress, hindi ako nagkakaroon ng pagkakataon na sabihin o ihayag sa iyo ang tunay na nilalaman ng puso ko. Kung gaano kong pinagsisisihan lahat ng pagkukulang ko, kung gaano ako ka-willing na baguhin at i-improve pa ang sarili ko, para maging isang tao na karapat-dapat para sa iyo. Sabi nila, gawin ko raw ang pagbabago para sa sarili ko, sabi ko naman sa kanila 'ginagawa ko nga ito para sa sarili ko, para bumalik na ang puso ng Empress ko sa akin na Emperor niya' dahil makukuha ko man tumawa, maaliw at maging masaya, hindi na ako makukumpleto kapag wala ka. My Empress kung nasaan ka man, sana maiparating ni DJ Rjhay Gwapito, sa pamamagitan ng kanyang videoblog ang mensahe ko para sa iyo. Sana makarating sa iyo na sobrang mahal na mahal kita na kahit napakarami nang rason para isuko ka, mas pinili ko pa ring lumaban, kahit mahirap, kahit madalas, nasasaktan.
Alam kong hindi madali sa iyo na pakitunguhan ako. Masyado kasi akong bilib sa sarili ko na nakalimutan kong kaya nga may Empress para maging katuwang ng Emperor sa pamamahala sa kanyang Imperyo. Nakalimutan kong katuwang kita sa buhay at hindi alalay o tagapagsilbi. Nakalimutan kong ipadama sa iyo na ikaw ang Reyna ng mga Reyna at mga Hari. At ikaw lamang ang nag-iisang Reyna sa Puso ko. My Empress, alam kong maraming taong nakapaligid sa iyo ngayon ang maaaring masugid kong kritiko, ang dasal ko na lang, sana manaig sa puso mo ang katotohanan tungkol sa akin at maramdaman mo ang dalisay kong hangarin para sa ikabubuti nating dalawa at ng ating Imperyo.
Mahirap ang sitwasyon nating dalawa, dahil hindi ito pangkaraniwan at kumplikado kaya naiintindihan ko kung pilit mong iniiiwas ang sarili mo sa akin. Baka hindi ka pa handa o baka natatakot ka na hindi pa ako handa. Ngunit, ngayon pa lang sinisiguro ko sa iyo na handa na ako, at ikaw na lang ang hinihintay ko na magdesisyon.
My Empress, maganda ka, mabuting babae, matalino at higit sa lahat, pinuno, natitiyak kong hindi lang ako ang naghahangad na makuha ang pag-ibig mo, marami kami. Hindi na ako makikipagkumpetensiya pa sa kanila, tahimik na lamang akong kikilos, tutulong, magmamalasakit, magpoproteksyon, maghihintay at magdadasal na sa akin mo mismo kusang-loob na ibalik ang puso mo, tutal, ikaw naman ang Empress ng Empire ko, kaya habang ikaw ang nakaupo sa trono kasama ko, hindi mawawala ang pag-asa ko na makukuha ko rin ang pag-ibig mo. Dahil sa lahat ng pangarap ko, sa lahat plano ko sa buhay ko, kasama ka roon sapagkat ang gusto ko ay ikaw ang makasama ko sa pagtanda ko at ang taong nasa tabi ko, ang huling kamay na mahahawakan ko, kung dumating ang oras na pabalikin na ko ng Maykapal sa piling Niya.
Mahal na mahal kita My Empress,
Your Emperor
Para kay Emperor at kay Empress na rin,
Huwag niyong hayaang dalhin kayo ng mga opinyon ng mga tao sa paligid niyo. Hayaan niyong puso niyo ang magsalita kung ano ang tunay na nararamdaman nito. Dahil sa isang relasyon, o kahit hindi pa nga nagkakatuluyan, marami ng mga negatibong opinyon na sinasabi ang mga may interes. Ang dapat na unang isipin mo Emperor ay mahalin at ayusin muna ang iyong sarili, siyasatin ang sitwasyon at huwag magpapadala sa mga sabi-sabi dahil sa isang relasyon mula simula hanggang huli kayong dalawa ang magkatuwang at magreresolba ng problema, hindi ang opinyon at desisyon ng iba.
Riza Mando
Emperor at Empress,
Mahirap talagang malagay sa isang sitwasyon na maraming taong nakikialam at nagiging involve sa relasyon niyong dalawa, pero minsan isipin niyo rin, nangyayari ito at nakakapangialam lang ang ibang tao dahil hinahayaan niyo rin ang mga ito na makialam sa inyo. Emperor, malinaw na sinasabi mo sa liham mo kay Empress na bagamat nagkakausap kayo ay mukhang hindi naman ito malalim na pag-uusap, I think isa ito sa dahilan kung bakit hindi naaayos ang relasyon niyong dalawa. Emperor, kung mahal ka ni Empress, kahit ano pang paninira ang ihayag sa iyo ng mga kritiko mo, hinding hindi papadala si Empress sa mga paratang nila. Para naman kay Empress, kung mahal mo rin si Emperor, be fair to both of you and listen to what he has to say, bigyan niyo ng puwang ang pag-ibig niyo sa isa't isa at huwag padala sa mga sulsol at dikta ng ibang tao na madalas kung hindi pansarili ang intensyon ay kakitiran lang naman ng utak ang mga pinapairal kaya kayo pinapakialaman. Kung mahal niyo ang isa't isa, may karapatan kayong lumigaya na magkasama at kung tunay na may malasakit ang ibang tao sa paligid niyo, maiintindihan nila ang pag-iibigan niyo. They will accept it no matter how it hurts their egos or their principles or their personal interests. Kung hindi kayo maintindihan o matanggap ng ibang tao, ibig lang sabihin nun, hindi sinsero at balat-kayo ang ipinapakita nilang concern sa inyo. Kung pamilya naman ang kritiko, normal lang yan sa umpisa pero sa kalaunan ay matatanggap din nila ito. Empress, kung hindi mo naman mahal si Emperor, be fair to him, bigyan mo siya ng pagkakataon na maipagtapat ang nararamdaman niya and be honest also sa tunay mong nararamdaman sa kanya. It's better to hurt him with the truth than leave him hanging at hindi alam kung ano ba talaga ang lugar niya sa buhay mo. Bakit hindi ninyo bigyan ang mga sarili niyo ng kahit saglit lang na pribadong oras para makapag-usap? Emperor, tama yang desisyon mo na irespeto at hintayin si Empress makapagdesisyon rather than push yourself towards her. Habang naghihintay ka, take this time to recharge and rejuvinate, focus on loving and improving yourself and do things that will help boost your confidence and positive energies. And lastly, for both of you, follow your own intuition rather than doing things dahil sinabi lang ng ibang tao na ito ang dapat niyong gawin, dahil lang sinabi nila na hindi kayo bagay sa isa't isa, o dahil sinabi lang ng ibang tao na masama si Emperor or si Empress kaya hindi niyo deserve maging magkarelasyon. Kung ano ang idinidikta ng puso niyo yun ang sundin niyo, mas maigi nang magkamali dahil sinunod niyo ang kalooban niyo, rather than magkamali at magsisi dahil nakinig kayo sa ibang tao at pinalampas ang pagkakataon na makaranas ng tunay na pag-ibig.
Rjhay Gwapito